<aside> <img src="https://s3-us-west-2.amazonaws.com/secure.notion-static.com/22e781df-0821-4a43-ac0d-57b4c15ebcf0/UP_Logo_RGB.png" alt="https://s3-us-west-2.amazonaws.com/secure.notion-static.com/22e781df-0821-4a43-ac0d-57b4c15ebcf0/UP_Logo_RGB.png" width="40px" /> Maligayang pagbati mula sa Unibersidad ng Pilipinas!

Nalulugod ang pamunuan ng Unibersidad ng Pilipinas sa inyong pagsama sa organisasyon bilang lingkod-bayan. Ang SIBOL ay isang programang naglalayong magbigay-gabay sa mga bagong kawani ng Unibersidad sa kanilang unang taon ng panunungkulan.

</aside>

https://youtu.be/oAOU1PLTjJM

<aside> 🌿 Mga dapat malaman tungkol sa SIBOL

Ano ang SIBOL Onboarding Program?

Ang SIBOL Onboarding Program ay ang pangunahing programa para sa mga bagong kawani ng UP Diliman. Hango sa salitang sibol na may kahulugang pag-usbong o paglaki, ang SIBOL Onboarding Program ay naglalayong makapagbigay ng gabay sa mga bagong kawani ng Unibersidad upang makamit ang kaalaman at kasanayang mahalaga sa kanilang unang taon ng panunungkulan.

Tatlong yugto ng SIBOL

Mga hakbang para makompleto ang SIBOL

  1. Bisitahin ang SIBOL website at pagdaanan ang self-directed modules ng Virtual Orientation for New Employees.
  2. Lumahok sa Orientation Seminar for New Employees ngayong August 27, 28, 29, 2024.
  3. Mag-enroll sa apat na mandatory courses ng OPEN UP. Ang mga mabibigyan ng access sa mga kurso ay ang mga empleyadong nakadalo sa Orientation Seminar.
  4. Matapos dumalo ng University-wide Orientation Seminar at ng unit-led orientation, makipag-usap sa supervisor tungkol sa iba’t ibang L&D strategies na lalamanin ng inyong individual development plan. </aside>

<aside> *️⃣ Orientation Seminar for New Employees

Matapos maging pormal ng inyong employment, sunod na kailangang pagdaanan ang virtual orientation na siyang magpapakilala sa mga proseso, sistema, at kultura ng UP Diliman. Ang nasabing orientation ay madaling matatapos sa loob ng isang araw. Samantala, magkakaroon naman ng University-wide Orientation Seminar sa darating na August 27, 28, 29, 2024. Inaanyayahan ang mga empleyadong na-appoint mula February 2024 hanggang July 2024 na magregister sa nasabing programa: ****https://bit.ly/2024-sibol-b2-confirm

</aside>

Virtual Orientation for New Employees

Virtual ONE UP Modules

<aside> *️⃣ Basic Culture and Organization

Sa kanilang unang taon ng panunungkulan sa UP Diliman, ang mga bagong empleyado ay kinakailangang makompleto ang apat (4) na mandatory courses na tatalakay sa mga partikular na pambansang batas at polisiya ng pamantasan.

</aside>

Mandatory Courses for New Employees

Untitled

<aside> *️⃣ Learning Application

Ang ikatlong bahagi ng SIBOL ay sumasaklaw sa mga praktikal na pagsasanay na maaaring isagawa ng inyong Unit upang matulungan ang mga bagong empleyado na matutuhan ang teknikal na aspekto ng kanilang trabaho. Layunin ng learning application na magbigay-espasyo sa kawani na hubugin ang kanilang competencies upang matagumpay nilang magampanan ang kanilang mga tungkulin.

</aside>

<aside> 📗 Ano ang individual development plan?

Tatlong buwan matapos ang inyong performance targeting ay susukatin naman ang inyong kabuuang performance sa trabaho. Kabilang sa proseso ay ang pagsigurong natutugunan ang inyong learning needs bilang bagong empleyado, at sa pagtugon ay maaari ring subukan ang iba’t ibang non-training interventions.

Ang individual development plan ay isang instrumento na ginagagamit upang maisaayos ang pagpaplano at pagsasakatuparan ng mga istratehiyang makatutulong sa pagpapabuti ng performance ng isang empleyado. Ito ay maaaring tumugon sa mga natukoy na kahinaan ng empleyado sa loob ng isang rating period, o kaya naman ay makapag-ambag sa pangmatagalang career development ng kawani. Makatutulong din ang IDP sa pagwawasto ng performance ng mga empleyado na bigong makamit ang kanilang performance targets.

Matatagpuan sa ibaba ang iba’t ibang istratehiyang maaaring piliin sa pagbuo ng IDP.

Maaari namang idownload ang template ng dokumento dito:

IDP.docx

</aside>

Learning Application Strategies